Tutupadin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang ipinangakong suporta ng pamahalaan para sa mga atletang pilipino.
Kasunod ito ng makasaysayang pagkapanalo ng Philippine Women’s National Football Team sa 2022 ASEAN Football Federation o AFF Women’s Championship, kung saan kanilang nasungkit ang iskor na 3-0 laban sa Thailand.
Ayon kay PBBM, hindi lamang basta laro ang kinakaharap ng national athletes kundi dala mismo nila ang pangalan ng bansa.
Bukod pa dito, ang kahalagahan sa larangan ng pampalakasan ay tumutukoy din sa disiplina, sakripisyo, pananatiling mapagkumbaba sa lahat ng oras sa gitna ng pagkapanalo, at pakikisalamuha sa iba bilang isang team.
Sa kabila nito, nagpaabot ng pagbati ang pangulo sa mga atletang nagbigay ng “greatest gift” o karangalan sa bansa.