Ikinalugod ni Senador Bongbong Marcos ang suporta sa kanya ni dating pangulo ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.
Kasunod na rin ito ng binitiwang pahayag ni Estrada na si Marcos ang pipiliin niyang vice presidential candidate sakaling lumahok siya sa 2016 presidential elections.
Ayon kay Marcos, masasabing “undisputed” ang suporta sa kanya ng dating presidente at ang pagpili sa kanya bilang running mate ay tiyak na makapagdadagdag sa kanya ng tsansang manalo sa vice presidential race.
Nauna nang inihayag ni Erap na tatakbo siyang presidente kung kapwa madi-disqualify sina Senador Grace Poe at Vice President Jejomar Binay.
By Meann Tanbio