Nananatiling matatag ang suporta ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kanilang magka-ibang pananaw.
Ito ang inihayag ni Robredo sa kanyang unang isandaang araw sa pwesto kasabay ng “First 100 days” ni Pangulong Duterte.
Aminado ang pangalawang Pangulo na bagaman hindi masyadong mainit ang pagsisimula ng kanyang pakikitungo sa Pangulo, hindi ito nangangahulugan na hindi niya sinusuportahan ang administrasyon.
Sa ngayon anya “napakaganda” ng working relationship niya kay Pangulong Duterte na sumusuporta naman sa kanyang trabaho bilang housing Czar.
Gayunman, nilinaw ni Robredo na hindi lahat ng desisyon ng Pangulo ay kanyang sasang-ayunan.
Samantala, ipinagmalaki rin ng pangalawang Pangulo ang mga nagawa ng administrasyon sa unang isandaang araw na tagumpay din anya para sa sambayanan.
By: Drew Nacino