Ipinangako ng Korte Suprema na aayusin nito ang pagbibigay ng ligal na tulong sa kababaihan na naging biktima ng karahasan.
Ito ang pangako ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa pagsisimula ng taunang paggunita sa 18 araw na Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Ipinahayag ni Gesmundo ang buong suporta ng Korte Suprema sa mga programa at mga hakbang para mawakasan ang karahasan at lahat ng uri ng diskriminasyon sa kababaihan.
Plano ring palawigin at paigtingin ng Supreme Court ang Clinical Legal Education Program ng Law Schools sa iba’t ibang rehiyon at pagbuhay sa Legal Aid Program ng Integrated Bar of the Philippines. —sa panulat ni Hannah Oledan