Mas pinalakas ng LandBank ang suporta nito sa fisheries sector matapos pumalo sa halos P3B ang inilabas nitong loan hanggang nitong buwan ng Nobyembre.
Sa idinaos na LandBank Agrisenso Virtual Forum na dinaluhan ng 115 fishers at iba pang stakeholders sa buong bansa, inanunsyo ng LanBank ang mga ikinakasa nilang lending program na magpapalakas sa kontribusyon ng fisheries sector para maabot ang food self-sufficiency sa bansa.
Kabilang sa mga lending programs na ito ang Sustainable Aquaculture Lending Program (SALP) pagsasakang pantubig para magbigay ng credit assistance sa fishers associations, cooperatives o federations, non-government organizations, micro, small and medium enterprises, large agribusiness enterprises at countryside financial institutions.
Nagbibigay din ang landbank ng pautang sa ilalim ng commercial fishing vessel financing program bilang ayuda sa mga commercial fishing operators para makabili ng bangka pang domestic o overseas use.