Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang lahat na tutukan ang pagbibigay ng suporta sa mga atletang Pilipino na nakatakdang sumabak sa 30th Southeast Asian (SEA) games.
Ito ang iginiit ng pangalawang pangulo matapos tumangging magkomneto sa mga kontrobersiya at aberya na kinaharap ng Pilipinas bilang host ng palaro.
Ayon kay Robredo, nakakalimutan ng lahat na bigyang halaga ang pagsasakripisyo ng mga manlalarong pinoy na siyang nagdadala ng bandila ng Pilipinas dahil sa napakaraming kontrobersiya na kinahaharap sa sea games hosting ng bansa.
Iginiit ni Robredo na sa ganitong panahon aniya dapat mas pinagtutuunan ng pansin ang mga manlalarong Pinoy lalu na’t hindi nakikita ng lahat ang kanilang mga pinagdadaanan para lamang katawanin ang Pilipinas.