Tiniyak ng pamunuan ng DILG o Department of Interior and Local Government na ipagkakaloob nila ang lahat ng suporta sa Pambansang Pulisya at Sandatahang Lakas ng Pilipinas para sa gagampanang tungkulin ng mga ito sa Elections 2016.
Ayon kay DILG Secretary Mel Senen Sarmiento, ngayon pa lamang ay inaasikaso na nila ang patungkol sa logistics upang maihanda ang lahat ng kakailanganin ng mga pulis at sundalo na magdu-duty sa halalan.
Isa ito sa mga agenda ng ginagawang pag-iikot nina Sarmiento at Defense Secretary Voltaire Gazmin sa mga kampo ng militar at pulisya sa buong bansa.
Sinabi ni Sarmiento, kung paano nila napondohan ang lahat ng pangangailangan ng mga nag-duty noong nakalipas na eleksyon ay ganito rin ang kanilang gagawin sa mga tauhan ng PNP at AFP na magtatrabaho sa darating na eleksyon.
Deputized ng COMELEC ang PNP at AFP para mangasiwa sa ipatutupad na seguridad sa buong panahon ng halalan.
Kabilang na ang pagpapatupad ng gun ban.
By Avee Devierte | Jonathan Andal