Nagpahayag ng suporta ang Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) sa panukala ng Department of Health na i-require ang pagpapabakuna ng first COVID-19 booster dose bago ituring na fully vaccinated laban sa sakit ang isang indibidwal.
Paliwanag ni phapi president Dr. Jose De Grano, kailangan ang pagpapaturok ng booster dahil ang immunity ng mga nakatanggap na ng primary doses ng bakuna ay humihina.
Ipinaalala din niya sa publiko na nananatili pa rin at “highly contagious” o nakakahawa ang Omicron variant.
Matatandaang sumang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa rekomendasyon ng DOH ukol dito para mapataas ang proteksyon ng publiko laban sa COVID-19 at bilang paghahanda na rin sa pagpapatuloy ng 100% face-to-face classes sa Nobyembre.