Humirit naman ng karagdagang P1.9 bilyong pisong supplemental budget si Agriculture Secretary Proceso Alcala.
Ito aniya’y para sa ikinakasa nilang mitigation project kontra sa epekto ng El Niño sa bansa.
Batay sa tala ng DA, lubhang naapektuhan ng matinding tag-init ay ang lalawigan ng Cagayan na may kabuuang P1.1 bilyong pinsala sa iba’t ibang uri ng pananim kablang na ang livestock.
Sinundan naman ito ng SOCSARGEN na may kabuuang P980 milyong pinsala habang ang northern Mindanao naman ay nakapagtala ng mahigit P700 milyong pisong halaga ng pinsala sa mga pananim.
By Jaymark Dagala