Nakahanda ang senado na agarang aprubahan ang supplemental budget para sa pagsasaayos ng Marawi City.
Ito ang tiniyak nina Senate President Koko Pimentel at Senate Committee on Finance Loren Legarda, oras na makatanggap sila ng kahilingan ukol dito.
Ayon kay Pimentel, malaki ang posibilidad na ka-kailanganin ang supplemental budget dahil isang hindi inaaasahang pangyayari ang krisis na nagaganap sa Marawi City at hindi pa ito nakapaloob sa 2017 National Budget.
Aniya, malaking pondo ang kailangan para sa pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group.
Giit pa ni Pimentel, mas malaking budget pa ang magagamit para naman sa rehabilitasyon ng lungsod.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno