Naisumite na sa D.O.J. Panel of prosecutors ang supplemental complaint affidavit ng M.P.D. at ang mga magulang ni Horacio Castillo the third kaugnay ng patong-patong na reklamong kriminal laban sa mga nasa likod ng pagpatay kay Atio.
Kabilang sa mga kaso na isinampa naman kay U.S.T. Law Dean Nilo Divina ay perjury obstruction of justice , murder at paglabag sa RA 8049.
Present sa hearing ang mag-asawang Horacio Junior at Carminia Castillo gayundin ang tiyuhin ni Atio na si Gerardo Castillo.
Kabilang sa mga iniharap na testigo ng M.P.D. ang mga nurse at doktor ng Chinese General Hospital na nag-asikaso kay Atio nang dalhin ito ng pangunahing suspek na si John Paul Solano.
Nagsumite rin ang M.P.D. ng kopya ng kuha ng C.C.T.V. ng barangay na nakasasakop sa Aegis Juris library sa Sampaloc, Maynila kung saan pinaniniwalaang isinagawa ang initiation rites sa biktima.