Posibleng hindi payagan sa ilalim ng mga panuntunan ng kamara ang pagsusumite ng Supplemental Evidence sa Impeachment Complaint.
Ayon ito kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas matapos ihain ni Magdalo Party List Representative Gary Alejano ang supplemental evidence sa reklamong impeachment laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Fariñas, pinuno ng House Committee on Rules na duda siyang mapagbibigyan ang supplemental evidence base na rin sa impeachment procedures.
Mayruon aniyang pagkakaiba ang paghawak ng ordinaryong korte sa isang kaso at kung paano tratuhin ng Kamara ang impeachment cases.
By: Judith Larino