Nakatakdang ipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mahigit 150 senior citizens ng Maynila ang supplemental kit ngayong araw.
Ito’y kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR.
Sa isang facebook live, sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na kasama sa supplemental kit ay ilang vitamins, gatas para sa matatanda kung saan sila ang mataas ang tyansa na madapuan ng naturang virus.
Sinabi pa ni Moreno na ihahatid ng mga opisyal ng barangay ang supplemental kit sa mga matatanda sa pamamagitan ng door to door delivery.
Aniya, hindi kailangan lumabas ng senior citizens dahil ibibigay ito mismo sa pinto ng kanilang bahay.