Posibleng magtaas ng presyo ang nag iisang local manufacturer at supplier ng face mask.
Ayon ito sa DTI kasunod na rin ng local transmission ng COVID-19.
Ipinabatid ni DTI Secretary Ramon Lopez na nalulugi ng P15-M ang nag-iisang manufacturer at supplier ng face mask dahil una na nitong nai-commit ang mababang presyo sa ahensya kaya’t hindi na sila makapagtaas ng presyo.
Posible aniyang sa mga susunod na batch na bibilhin nilang face mask ay mas mataas na sa P8 kada piraso ang bentahan sa kanila.
Inihayag ni Lopez na nasa 2.4 million face mask ang ginagawa kada buwan ng nasabing local manufacturer at 1. 6 million pieces dito ay napupunta sa gobyerno at ipinagbibili sa P8 kada piraso.
Una nang sinabi ni Lopez na mas mababa ang nasabing presyo kumpara sa 25 hanggang P50 kada piraso na nabibili sa merkado.