Pinaiimbestigahan ng PNP ang mga nasa likod nang paggawa ng mga pampasabog.
Kasunod na rin ito nang pagkaka aresto sa umano’y mastermind at mga kasabwat nito na supplier ng mga sangkap sa paggawa ng pampasabog sa magkahiwalay na operasyon sa General Trias, Cavite at Lucena City sa Quezon.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, unang naaresto si Charlito Tenorio na supplier ng controlled explosive substances sa Cavite sa ikinasang buy-bust operation at sumunod na naaresto sa ikinasang follow-up operations ng CIDG sa Lucena City ang itinuturong mastermind ni Tenorio na si Jr Suson .
Nakumpiska sa naturang operasyon ang nasa 750 kilos ng ammonium nitrate na nakasilid sa 30 sako at 1,000 piraso ng improvised blasting cap na naka karga sa isang container van na nagkakahalaga ng P200,000. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)