Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections ang supplier ng mga pumalpak na kagamitan nila sa eleksyon.
Ayon kay Director James Jimenez, spokesman ng COMELEC, haharap sa komisyon ang mga suppliers pagkatapos nilang mai proklama ang mga nanalo sa senatorial elections.
Ang supplier ng vote counting machines ay ang s-1, subsidiary ng isang malaking kumpanya samantalang ang Gemalto na isang Italian company naman ang para sa VRVM o Voters Registration Verification Machine.
Maliban pa ito sa mga pumalyang SD cards na umabot sa mahigit 1,000 at palpak na marking pens.