Arestado ang isang lalaking hinihinalang supplier ng party drugs sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District Station 10 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ito’y matapos magpanggap ang isang tauhan ng PDEA na buyer kung saan may inirerekomenda pa umano ang suspek na isa pang supplier.
Base sa video na kuha ng PDEA, makikitang iniabot ng lalaki sa nagpanggap na buyer na tauhan ng PDEA ang naturang droga.
Nang aktong babayaran na ng kasabwat ng PDEA, agad na rumesponde ang isa pang tauhan ng PDEA sa loob ng sasakyan kung saan nagaganap ang transaksyon at agad na inaresto ang suspek.
Nakumpiska sa lalaki ang hinihinalang party drugs na liquid ecstasy, ecstasy tablets at capsules na nagkakahalaga ng aabot sa P170,000.—sa panulat ni Agustina Nolasco