Posibleng hindi nabayaran ng COMELEC ang supplier ng SD card matapos na magka aberya ng higit 1,000 piraso nito noong halalan.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, iniimbestigahan na ang naging bidding process para sa naging supplier ng mga mababang kalidad na SD cards.
Samantala, ibinulgar ni Guanzon na nakipag kontrata ang COMELEC sa NPO o National Printing Office para sa pag imprenta ng balota.
Ngunit ilang araw makalipas ang eleksiyon ay may natanggap silang impormasyon na nagpa subcontract ang NPO sa ibang kumpanya na malinaw na paglabag sa kontrata.
Aniya, maraming naging pagkakamali sa pag iimprenta ng balota kaya posibleng hindi rin nabayaran ang NPO at maharap pa sa kasong kriminal.