Muling tiniyak ni Trade and Industry Undersecretary Ted Pascua na stable ang presyo at supply ng ilang Noche Buena items, halos dalawang buwan bago ang Pasko.
Ayon kay Pascua, bagaman may ilang produktong nagtaas ng presyo, nananatiling maganda ang kompetisyon sa merkado ng mga manufacturer kaya’t walang dapat ikabahala sa ngayon ang mga mamimili.
Pinayuhan naman ng DTI official ang mga consumer na ngayon pa lamang ay piliin at planuhin ng mabuti ang mga ihahanda para sa pasko lalo’t mahaba pa ang panahon.
Samantala, siniguro rin ni Pascua na stable ang presyo at supply ng mga karne lalo ng manok kahit pa nagkaroon ng Bird flu virus noong Agosto.