Dumating na sa bansa ang bagong batch ng mga beep cards ng Light Rail Transit (LRT) at Manila Metro Rail Transit System (MRTS).
Ito’y matapos maiulat na kulang ang supply ng naturang card noong Agosto.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan, naipadala na ng AF Payments Incoporated (AFPI) ang mga bagong beep cards matapos itong apektado dahil sa kakulangan ng electronic chips sa global market bunsod ng kaguluhan sa Russia at Ukraine.
Hindi naman tinukoy ni batan ang eksaktong petsa kung kailan ito dumating.
Kasabay nito, hinikayat ng transportasyon ang mga pasahero na protektahan ang mga beep cards dahil tulad ito ng ATM card. —sa panulat ni Jenn Patrolla