Patuloy na nagkaka-ubusan ng supply ng bigas ng National Food Aurthority (NFA) sa ilang pamilihan sa Quezon City.
Ito’y bunsod ng kinakaharap umanong shortage sa buffer stock ng NFA.
Ayon sa grupong Laban Konsyumer, hindi na makabili ang mga consumer ng 27 Pesos at 32 Pesos na kada kilo ng NFA Rice sa Muñoz Market.
Dismayado rin ang Laban Konsyumer sa Limang Pisong dagdag sa kada kilo ng well milled rice sa nakalipas na limang buwan.
Dahil dito, inirekomenda ng grupo sa Department of Trade and Industry na lagyan ng Suggested Retail Price (SRP) ang bigas.
RPE