Dinoble na ng National Food Authority (NFA) ang supply nito ng bigas sa Zamboanga City.
Dahil dito, sinabi ng NFA na naresolba na ang krisis sa bigas sa nasabing linggo at 80 porsyento na ng pangangailangan sa bigas kada araw ang natutugunan ng gobyerno.
Ang 4,000 bag ng bigas ay katumbas ng 80 porsyento ng mahigit 5,000 bag ng bigas na kailangan ng Zamboanga City kada araw.
Ayon pa sa NFA, tuluy-tuloy ang supply nila ng P27 na kada kilo ng bigas samantalang bumabaha na rin sa lungsod ang mga murang commercial rice.