Nananatiling sapat ang supply ng bulaklak dalawang linggo bago ang Undas.
Ayon sa mga flower farmer sa Benguet, wala namang gaanong peste at malakas na bagyong tumama sa Northern Luzon.
Kada araw din anila ang kanilang biyahe upang magbagsak ng mga bulaklak sa Metro Manila partikular sa Dangwa, sa Sampaloc, Maynila.
Stable din ang presyo ng mga bulaklak pero inaasahang tataas sa huling linggo ng Oktubre.
Sa ngayon ay nasa 70 hanggang 180 Pesos ang kada bundle ng Rosas habang 70 hanggang 120 Pesos ang Malaysian Mums.