Sumampa na sa 100 million doses ng Covid-19 vaccine ang dumating sa bansa, simula noong Marso.
Ito ang inanunsyo ng National Task Force Against Covid-19 matapos dumating ang sa Pilipinas ang karagdagang supply noong Huwebes ng gabi.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., mayroon nang 100,528,240 vaccine doses ang bansa, kabilang na ang 58,212,187 na naiturok sa mga pilipino.
Sa nasabing datos ng gobyerno, mayroon pang 42,316,053 na nalalabing doses para sa mga hindi pa nababakunahan.
Nagpasalamat din si Galvez sa pribadong sektor at lokal na pamahalaan sa pagtulong ng mga ito na makipagkasundo sa mga manufacturer dahil sa limitado pa ring suplay ng bakuna.
Samantala, sinimulan na ng DOH ang pagproseso ng EUA para amyendahan ang iba’t-ibang vaccine brands na gagamitin bilang booster shot. —sa panulat ni Drew Nacino