Nagkaka-ubusan na ng suplay ng lokal na galunggong sa ilang pangunahing pamilihan tulad ng Commonwealth Market at Mega Q Mart sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ito ay bunsod ng nalalapit na closed fishing season kung saan ipinagbabawal ang paghuli ng galunggong sa isla ng Palawan na siyang pinakamalaking pinagkukunan nito sa bansa.
Upang matugunan ang limitadong suplay sa bansa, nagsimulang mag-angkat ng isda ang pamahalaan.
Sa kabuuang 25,000 metric tons na inaprubahan para sa importation, 12,000 metric tons na ang nakarating sa bansa.
Sa kasalukuyan, nagkakahalaga ng 220 hanggang 280 pesos ang isang kilo ng lokal na galunggong, habang 220 hanggang 260 pesos naman ang imported.