Iginiit ng Philippine Egg Board Association na wala silang nakikitang kakilangan sa supply ng itlog sa bansa sa darating na Abril.
Ito ay sa kabila ng abiso ng Department of Agriculture na posibleng magkulang ang supply ng nasabing produkto dahil sa banta ng bird flu.
Sinabi ni PEBA President Francis Uyehara na sa kanilang taya posibleng umabot hanggang sa Abril o Mayo ang supply ng itlog dahil sa maayos na produksyon kung kaya ikinagulat niya ang detalyeng inilabas ng D.A.
Bukod dito, sinabi ng PEBA Official na wala rin silang nakikitang pagtaas sa presyo ng itlog sa mga darating na buwan.
Nabatid na inanunsiyo ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior na posibleng makaranas ng kakulangan sa supply ng itlog ang pilipinas bagama’t posible pa aniyang mapigilan ang nasabing shortage. – Sa panulat ni John Riz Calata