Unti-unti nang naibabalik ang supply ng kuryente sa Palu, Indonesia matapos ang magnitude 7.5 na lindol at tsunami na tumama sa Sulawesi.
Ayon sa National Disaster Management Authority ng Indonesia, inaayos na ang mga naputol na linya ng kuryente matapos matumba ang ilang poste sa lugar.
Pahirapan umano ang pagsasaayos ng mga poste ng kuryente dahil sa mga nakahambalang sasakyan, puno ng kahoy at iba pang debris sa mga kalsada na inanod ng tsunami.
Bukod dito, naibalik na rin ang linya ng komunikasyon sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.