Matatag na ang supply ng kuryente sa Panay Island.
Ito ang kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines, matapos ang malawakang blackout sa lugar.
Gayunman, hindi masabi ng NGCP kung mauulit pa ang pagkawala ng kuryente sa Panay Island.
Paliwanag ni NGCP Spokesperson Attorney Cynthia Alabanza, hindi nila kontrolado ang operasyon ng mga power plant, dahil wala silang kapangyarihan sa mga ito.
Matatandaang, isinisi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa NGCP ang nangyaring malawakang blackout sa lugar. - sa panulat ni Charles Laureta