Tiniyak ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa publiko na sapat ang supply ng produktong petrolyo sa bansa sa kabila ng nagpapatuloy na sagupaan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Cusi, sa Middle East naman kumukuha ng krudo ang Pilipinas pero may direktang epekto sa international oil market at presyuhan ng langis sa Pilipinas ang krisis sa Ukraine.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t patuloy silang nananawagan sa bawat isa na magtipid sa paggamit ng krudo ngayong medyo kritikal ang sitwasyon.
Binigyang-diin naman ng kalihim ang kahalagahan ng pagiging energy sufficient at independent ng Pilipinas lalo’t nakaasa ang bansa sa mga oil import.
Samantala, kabilang din si Cusi sa nananawagan na amyendahan na ang Oil Deregulation Law at suspendihin ang Excise Tax sa langis.