Sobra ang supply ng manok sa mga pamilihan dahil sa napaulat na bird flu outbreak sa ilang poultry farms sa Pamnapang at Nueva Ecija.
Sinabi sa DWIZ ni Agriculture Secretary Manny Piñol na normal reaction lamang na umiwas bumili ng manok ang mga consumers dahil sa takot sab aka mahawa sila.
Pero nilinaw ni Piñol na ligtas pa rin ang mga karne ng manok dahil hindi ito nakakahawa sa tao.
Bagsak aniya ang presyo ng manok sa mga pamilihan kayat dapat samantalahin ng mga mayroong malalaking freezers na bumili ng marami para may stock hanggang Disyembre.
Sinabi ng kalihim na hindi nasisira ang karne ng manok basta tiyakin lamang na maayos ang paglalagyang freezers sa mga ito.