Aabutin na lamang ng hanggang Marso ang supply ng National Food Authority rice sa Baguio City at Benguet.
Batay sa inventory ng NFA Region 1, mayroon na lamang 62,000 sako ng bigas sa buong rehiyon kabilang ang Baguio, Benguet at Abra.
Ayon kay Piolito Santos, Regional Director ng N.F.A. Region 1, pananatilihin nila ang 5,000 sako ng bigas hanggang Hunyo at matapos ang Marso ay ititigil na ang pagbebenta sa mga retailer.
Sa 62,000 sako, 13,000 rito ang para sa Baguio at Benguet habang ang nalalabi ay hindi pwedeng ibenta dahil irereserba ang mga ito sakaling magkaroon ng sakuna.
Nangangahulugan ito na 8,000 sako na lang ang maaaring ibenta ng retailers at tig-tatlong kilo pa rin ang ibebenta sa kada mamimili kaya’t ibinabala ng mga retailer na maaaring mapipilitan silang magtaas ng presyo ng commercial rice sakaling maubos na ang bigas ng NFA.
Posted by: Robert Eugenio