Tiniyak ng DTI na sapat ang supply ng pagkain sa kabila ng ipatutupad na Enhanced Community Quarantine sa NCR at ilang karatig lugar.
Ito’y sa gitna ng panic-buying sa mga pamilihan ng ilang taga-Metro Manila.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castello, walang rason para mag-panic buying ang publiko dahil maaari namang bumili ng mas marami tulad ng instant noodles at mga de lata.
Mayroon din anyang itinayong tindahan ang DTI katuwang ang Department of Agriculture kung saan maaaring bumili ng frozen meat products ang publiko.
Simula Biyernes, Agosto 6 hanggang 20 muling isasailalim ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna sa ECQ sa gitna ng pagtaas na naman ng COVID-19 cases. — sa panulat ni Drew Nacino.