Inamin ng Philippine Fireworks Association of the Philippines na kulang ang supply ng paputok sa bansa.
Ayon kay Joven Ong, pangulo ng samahan, konti lamang sa kanilang mga miyembro ang gumawa ng labintador at iba pang paputok habang ang iba naman ay mas tumutok sa pag gawa ng mga pailaw o fireworks.
Aniya, epekto ito ng hindi masyadong pagkaunawa ng publiko sa Executive Order 28 o paglilimita sa paggamit ng paputok.
“’Yun lang po ang nililimitahan, hindi po puwede sa labas ng kabahayan kailangan lumabas tayo sa designated area ng local government.” Ani Ong
Samantala, nilinaw naman ni Ong na ang ipinagbabawal ng pamahalaan na piccolo ay hindi locally manufactured bagkus ay produkto ito ng China na iligal na ipinapasok sa bansa.
“Nakiki-usap tayo sa mga government agencies to become stricter in safeguarding against the importation nitong mga delikadong produkto kagaya ng piccolo, ang karamihan kasi ng gumagamit niyan bata eh, it accounts more than half ng injuries.” Pahayag ni Ong
(Ratsada Balita Interview)