Apat na araw bago mag-bisperas ng Pasko, nilinaw ng Department of Trade and Industry na hindi pa nagkakaubusan ng suplay para sa ihahanda sa Noche Buena.
Sinabi ni DTI Undersecretary Teodoro Pascua na hindi naman nauubos ang mga sangkap sa paggawa ng Noche Buena kaya kahit anong araw, aniya, ay pwede pa ring mamili.
Para naman sa presyo ng mga Noche Buena package, sinabi ni Pascua na pasok pa rin sa itinakdang Suggested retail Price ang mga ito.
Sinabi naman ni DTI Consumer Protection Advocacy Bureau Director Lilia Salonga na mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay sa mga pamilihan para matiyak na walang pagtaas sa presyo ng Noche Buena package.
Samantala, kabilang naman sa mga Noche Buena package ang fruit cocktails, spaghetti noodles, at keso.
By: Avee Devierte / Allan Francisco