Titibagin ng National Capital Region Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NCRTF-ELCAC) ang support system at recruitment activities ng komunista sa Metro Manila.
Ayon kay Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) chief, Major General Guillermo Eleazar, layon nilang pag-isahin ang iba’t ibang support services ng mga ahensya ng pamahalaan upang mabilis itong makarating sa mamamayan.
Sinabi ni Eleazar na bagamat walang armadong pakikibaka sa Metro Manila, dito naman malakas ang recruitment at support system ng New People’s Army (NPA).
Tinukoy ni Eleazar ang Camanava area kung saan anya kinukuha ang mga mamamayan na sumama sa mga rallies.
Ito po yung pagbuo ng isang grupo to make the efforts harmonize all the activities ng iba’t ibang ahensya and ang ating intention po ay makatulong para masugpo na itong problema ng insurgency dito sa ating bansa, partikular sa Metro Manila, ani Eleazar.
(Balitang Todong Lakas Interview)