Sumugod sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang mga supporter ng dating Pangulo ngayo’y Congresswoman Gloria Arroyo.
Tuwang-tuwa ang Arroyo supporters bitbit ang mga placard nilang nagwe-welcome sa paglaya ni CGMA.
Kabilang sa mga nagtungo sa VMMC ang Kongreso ng mga maralitang Pilipino at mga urban poor residents mula sa Tondo at Quezon City.
Ayon kay Ramon de Leon, pangulo ng grupo, ipinagdiriwang nila ang paglaya ni Arroyo na aniya’y sa nagbigay kanila ng mga lupa noong Pangulo pa ito.
Hindi aniya magnanakaw si Arroyo at biktima lamang ito ng maling demanda.
Sinabi ni de Leon na hihintayin nilang makalabas ng VMMC si Arroyo at sasama sila sa paghahatid dito sa kanyang tahanan sa La Vista sa Quezon City.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)