Posibleng hindi makadalo bukas, Nobyembre 27, ang Supreme Court Justices sa pagpapatuloy ng house inquiry sa impeachment complaint ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali, ito’y dahil sa kailangan pa umanong humingi ng basbas o permiso sa katas-taasang hukuman ang SC justices.
Pahayag ng mambabatas, ilan din sa kanilang mga inimbitahan na mga mahistrado na nakatakdang tumestigo laban kay Sereno ay hindi maaring dumalo hanggat walang pahintulot ng Court en Banc.
Inihayag pa ng kongresista, na maging si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, hindi rin makararating bukas dahil sa mayroon aniya itong mahalagang pagpupulong na dadaluhan.
Ngunit sa kabila nito, sinabi ng Kongresista, na itutuloy parin nila ang pagdinig sa impeachment case ng punong mahistrado kahit pa hindi sumipot ang kanilang mga inimbitahang personalidad