Nagpalabas ng TRO ang Korte Suprema hinggil sa pag-upo ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon bilang kinatawan ng P3PWD Partylist group.
Ito ay kasunod ng inihaing petisyon ni Duterte Youth Partylist Rep. Ducielle Cardema at asawa nito na si Ronald Cardema na Chairman ng National Youth Commission.
Dahil dito, binigyan ng Korte Suprema ng 10 araw ng walang palugit ang COMELEC maging si Guanzon upang ihain ang kanilang kumento kaugnay sa nasabing petisyon.
Bukod pa dito, binigyan din ng limang araw ng Korte Suprema ang COMELEC upang isumite ang inisyu nitong resolusyon na nagpapahintulot kay Guanzon na maging Subtitute Rep. ng P3PWD Partylist.
Samantala, kinumpirma naman ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na natanggap na nito ang kopya ng tro ng Korte Suprema, at tutugon sila sa direktiba na maghain ng komento, sa tulong ng Office of the Solicitor General.
Sa ngayon, tumanggi munang mag-komento si Guanzon hinggil sa nasabing desisyon ng Korte Suprema. —ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)