Natapos na ng Supreme Court ang kanilang oral argument kaugnay sa kontrobersiyal na paglilipat ng siyamnapung bilyong pondo ng PhilHealth sa National Treasury.
Kaugnay nito, inatasan ng kataas-taasang hukom ang lahat ng mga sangkot na partido na magsumite ng kanilang memorandum sa loob ng 30 araw.
Sinimulan ang nasabing oral arguments kaugnay sa usapin nuong Pebrero matapos maghain ng petisyon sa Supreme Court ang ilang grupo at indibidwal upang harangin ang paglilipat ng pondo.
Kasunod nito, naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema upang ipatigil ang paglilipat ng bilyong pisong pondo.
Nabatid nuong ikatlong araw ng oral argument, iminungkahi ni Associate Justice Antonio Kho Junior na dapat ibalik sa PhilHealth ang naunang 60 bilyong pisong isinauli sa pamahalaan.