Pinababalik na sa tungkulin ng Pangulong Rodrigo Duterte si Superintendent Marvin Marcos na sangkot sa pagpaslang kay Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.
Iginiit ng Pangulo sa anibersaryo ng BJMP na hindi papayagang makulong ang sinumang pulis, sundalo at iba pang tauhan ng gobyerno na sumusunod lamang sa kaniyang kautusan.
Sinabi ng Pangulo na suspended lamang si Marcos at dahil tapos na ang suspension nito kailangan na nitong bumalik sa trabaho.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahaayg ni Pangulong Rodrigo Duterte