Posibleng sangkot sa terroristic activities si Police Supt. Maria Cristina Nobleza.
Ito ayon kay Police Supt. Lemuel Gonda, Spokesperson ng PNP o Philippine National Police Region 10 ay kung pagbabasehan ang mga nakuha nilang bagay sa isinagawang raid sa nirentahang apartment nito sa Bohol.
Gayunman, sinabi ni Gonda na tuluy-tuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Magugunitang kabilang sa mga nakuha sa apartment ang blasting cap, M-16 rifle at mga subersibong dokumento at natagpuan doon ang tatlo (3) katao kabilang ang dalawang (2) menor de edad.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Police Supt. Lemuel Gonda