Target ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tapyasan ng 50% ang surge rate ng mga ride-hailing services.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ipinaliwanag ng Transport Network Vehicle (TNVS) firms na kinukwenta ang surge fee base sa sitwasyon ng trapiko; bilang mga driver; at ang taas ng demand.
Idinagdag pa ng LTFRB official, inaasahan nilang makatutulong ito sa pagbabawas ng surge rates tuwing rush hour dahil sa pagtaas ng demand ng mga pasahero sa holiday season.
Umaasa rin ang LTFRB na ibaba ang flag down rate para sa ride-hailing firm na grab sa 65 pesos mula sa kasalukuyang 80 pesos.
Una nang nagdagdag ang ahensya ng 5,000 slots para sa ride-hailing services sa Metro Manila. – Sa panulat ni John Riz Calata