Dapat umanong magsilbing babala sa Pilipinas ang nangyaring surge ng Delta variant sa ibang bansa.
Ito ang iginiit ng OCTA Research Group matapos palawigin ang umiiral na General Community Quarantine “with Heightened Restrictions” hanggang Agosto 15.
Ayon kay Prof. Guido David ng OCTA, dapat na seryosohin ang Delta variant lalo’t nakita na natin ang ginawa nito sa ibang bansa gaya ng India, Indonesia, Thailand at Vietnam.
Nilinaw din ni David na hindi sila “alarmist” bagkus ay nagbibigay lang aniya sila ng kanilang perspektibo batay sa datos.