Suportado ng World Health Organization (WHO) ang sinabi ng Department of Health (DOH), na posibleng makaranas ng panibagong surge ng COVID-19 cases ang Pilipinas.
Sa kalagitnaan ito ng Mayo posibleng maganap, kung mababalewala ang minimum public health standards.
Ayon kay Dr. Rajendra Yadav, WHO Representative to the Philippines, hindi dapat magpakampante ang publiko at patuloy na sumunod sa ipinatutupad na restriksyon ng gobyerno.
Hindi naman ini-aalis ni Yadav ang posibilidad na umakyat din sa 300,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nasabing panahon.
Bagama’t tumaas o hindi ang kaso, mas mahalaga pa rin aniyang tutukan na mapataas ang antas ng pagbabakuna.
Ikinatuwa naman ni Yadav na 60% na ng kapuluan sa Pilipinas ang naabot ng pagbabakuna.