Inaasahan na ng isang eksperto ang surge sa COVID-19 cases sa bansa, dalawang linggo matapos ang Halalan noong Mayo a-9.
Ayon kay Rontgene Solante, OCTA research fellow, magiging superspreader event ang pagtitipon at paglabas ng mga tao para bumoto noong eleksyon.
Habang dahilan din ang malamig na panahon kaya tumataas ang kaso dahil nasa loob lang ng bahay ang karamihan.
Hindi naman nakikita ni Solante na makakaapekto ang surge sa hospitalization rate ng bansa at magiging kagaya ito ng surge noong Enero.
Kung hindi mangyayari ang ganitong scenerio, sinabi ni Solante na patunay lang ito na nananatiling mataas ang proteksyon ng bansa laban sa COVID-19.