Balik-operasyon nang muli ang Surigao City airport simula ngayong araw.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), idineklara nang ligtas ng Department of Transportation (DOTr) ang naturang paliparan na naapektuhan ng pagtama ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao noong nakaraang linggo.
Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang nag-inspeksyon sa Surigao City airport.
Sinabi ni CAAP Deputy Director General for Operations Captain Manuel Antonio Tamayo, may pitongdaang (700) metro pa ng runway ang kailangan pang isaayos na inaasahang matatapos sa loob ng siyam na buwan.
Matatandaang Pebrero 11 ng pansamantalang ipasara ng CAAP ang Surigao City airport dahil sa pinsalang idinulot ng malakas na pagyanig sa Surigao.
By Ralph Obina