Maliit lamang ang pinsala na idinulot ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao City Airport.
Inihayag ito ni DOTR Secretary Arthur Tugade matapos ang isinagawang assessment sa nasabing paliparan.
Nabatid na dahil sa malakas na lindol, nagdulot ito ng malalim na crack sa runway ng airport.
Kaugnay nito, nagpadala na ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng mga engineer na magsasagawa ng mas detalyadong assessment para mas mapabilis ang pagkukumpuni sa nasirang bahagi ng Surigao City Airport.
By: Meann Tanbio