Sarado hanggang sa Marso 10 ang Surigao airport matapos ang 6.7 na lindol sa Surigao del Norte.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ng Public Information Officer ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Surigao na si Eric Apolonio na matindi ang pinsala na tinamo ng paliparan doon kung saan umangat ang semento sa runway ng airport.
Ayon pa kay Apolonio, bahagya lang ang pinsala sa mismong terminal ng Surigao airport kung saan mga nabasag na bintana at nasirang mga tiles lamang ang naitala.
Sa ngayon ayon kay Apolonio, kanselado na ang mga biyahe patungong Surigao airport
Maging ang mga military aircraft na maghahatid ng tulong ay hindi rin makalalapag sa nasabing paliparan.
Sa halip, maaaring gamitin ang Butuan airport na dalawang oras ang layo mula sa siyudad ng Surigao.
PAKINGGAN: Kabuuan ng panayam kay Mr. Eric Apolonio
By Jonathan Andal (Patrol 31) | with report from: Raoul Esperas (Patrol 45)