Muling niyanig ng magkasunod na magnitude 4.0 at magnitude 2.6 na lindol ang Surigao City.
Ayon sa PHIVOLCS, ito’y bahagi pa rin ng aftershocks ng magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Surigao Del Norte noong nakaraang linggo.
Natunton ang sentro ng unang aftershock sa layong sampung kilometro sa timog ng naturang lungsod na may lalim siyam na kilometro.
Ang unang pagyanig ay naitala pasado alas-8:00 kahapon ng umaga habang pasado alas-11:00 naman ng umaga ang ikalawang pagyanig.
By: Jelbert Perdez