Niyanig ng lindol ang mga probinsya ng Surigao del Norte at Occidental Mindoro.
Ayon sa PHIVOLCS, unang tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa layong siyam na kilometro sa hilagang kanluran ng Malimono, Surigao del Norte, kaninang alas-sais bente dos ng umaga.
Ang lindol ay may lalim na labing limang kilometro kung saan naramdaman ang intensity 4 sa Surigao City.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 4.0 na lindol ang Occidental Mindoro, bandang alas-sais singkwenta.
Naramdaman naman ang intensity 2 sa bayan ng Puerto Galera.
Wala namang nai-ulat na napinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa mga nasabing pagyanig na parehong tectonic in origin.
By: Jelbert Perdez